Idineklara ng Philippine Councilors League ang failure of election matapos na magkaproblema ang device na kanilang gagamitin sa botohan.

Umabot pa sa apat na beses na inulit ang test sa election device pero parehas pa rin ang naging problema.

Ikinagalit ng mga konsehal mula sa iba’t-ibang panig ng bansa na dumalo sa halalan dahil bukod sa nasayang ang kanilang oras ay nasayang din ang pera ng bayan na kanilang ginastos para makadalo sa halalan.

Una ng iminungkahi ng mga konsehal na gawin na lamang itong manual ang botohan subalit hindi ito pinansin ng election board.

Ayon sa Philippine Councilors League na mayroon na silang binuong ad hoc committee para makipag-ugnayan sa Department of Interior and Local Government (DILG) para sa panibagong schedule ng halalan sa loob ng 60 na araw.

-- Advertisement --

Naglalaban para sa posisyon ng national chairperson ng PCL sina Davao City Councilor Danilo Dayanghirang at Polangui Councilor Jesciel Salceda.