Reading Time: 1 minute

Pinapanatili ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “status quo” sa mga opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) sa gitna ng kontrobersyal na pagpapatupad ng Republic Act No. 10592 o ang Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law hanggang matapos ang mga Congressional hearings.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, mahigpit na tututukan ni Pangulong Duterte ang mga ginagawang pagdinig sa Kongreso at ikokonsidera ang mga findings.

Ayon kay Sec. Panelo, hinihikayat ng Office of the President ang Department of Justice (DOJ) na pag-aralan ang posibilidad na muling maaresto at maibalik sa kulungan ang mga napalayang hindi naman kuwalipikado sa GCTA.

Maaari aniyang gawing legal basis ang binanggit ni Sen. Franklin Drilon na jurisprudence partikular ang People vs. Tan kung saan iniutos ng Supreme Court ang re-arrest sa isang taong maling napalaya ng jail warden batay sa GCTA.

“The Office of the President urges the DOJ to study the possibility of re-arresting those released for GCTA but were disqualified by law, such as those convicted of heinous crimes. We note that the case cited by Senator Franklin Drilon, People vs. Tan, where the Supreme Court ordered the re-arrest of a person who was erroneously released by a jail warden based on GCTA, may be a good legal basis for the same. We also note that Article 99 of the Revised Penal Code on the irrevocability on the grant of GCTA is premised on the grant having a lawful justification. Without a lawful justification, therefore, the said grant is void and the person who benefitted from it may not invoke its irrevocability hence can be incarcerated to continue his or her sentence,” ani Sec. Panelo.