Inilabas na ngayon ng pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD) ang facial composite sketch ng suspek na bumaril sa isang police official nuong November 8,2018 sa may Barangay Tatalon, Quezon City.

Sugatan sa nasabing pamamaril si PSupt. Edgardo Cariaso na naka assign sa PNP Internal Affairs Service (IAS) sa Camp Crame.

Batay sa facial composite sketch ang suspek ay lalaki, nasa 30-40 anyos ang edad, masculado, brown ang complexion at nasa 5’5″ hanggang 5’6″ ang tangkad.

Nakasuot ng puting t-shirt, itim na short pants, puting rubber shoes at naka dirty green na sumbrero.

Una ng sinabi ni PNP chief PDGen. Oscar Albayalde na isa sa motibo na tinitignan ng pulisya sa pagbaril kay Supt. Cariaso ay ang posibleng pagkakasangkot nito sa iligal na droga.

Napag-alaman na kabilang si Cariaso sa 1,000 na nasa drug watchlist ng PNP.