Reading Time: 1 minute
Facebook dating app
Facebook

Inilunsad na ng Facebook ang kanilang online dating service sa United States.

Ang free “Facebook Dating” site ay nauna ng inanunsiyo noong nakaraang taon at nauna ng nailunsad sa ibang bansa.

Papayagan ng mga user ng pag-link ng kanilang Facebook at Instagram na ipost ito sa hiwalay na dating profile.

Layon ng nasabing dating app ay para pagkonektahin ang may dalawang bilyong users ng nasabing social network sa buong mundo dahil kahit na wala sa friendslist mo ay puwede mo pa rin itong maging kaibigan.

Nilinaw noon ni Facebook chief executive Mark Zuckerberg na layon ng nasabing app ay para sa pangmatagalang relasyon at hindi lamang panandalian.