CAGAYAN DE ORO CITY- Hindi inalis ng Department of Education (DepEd) 10 na magsasagawa ng face to face classes dahil sa pagiging low risk area ng COVID-19 ang buong rehiyon.

Ngunit nilinaw ni DepEd-10 Director Arthuro Bayocot na susunod sila sa magiging kautusan ni Pres Rodrigo Duterte lalo na’t una na itong naglabas ng pahayag na walang mangyayaring physical classes hangga’t wala pang magagawang bakuna laban sa coronavirus.

Ayon kay Bayocot, nakahanda naman umano sila sa kung ano ang ipapatupad na pamamaraan sa pagtuturo sa mga estudyante sa rehiyon sa oras na magsisimula na ang klase sa mga paaralan sa bansa.