Kasalukuyan nang pinag-aaralan ng isang external party ang panukalang pagbabalik sa Hunyo ang pasukan ng mga mag-aaral.
Ayon kay DepEd Assistant Secretary Francis Cesar Bringas, nais nilang matukoy ng maayos ang merito at negatibong epekto ng nasabing panukala, lalo na at ang pag-aaral ng mga kabataan ang maaapektuhan dito.
Paliwanag ng opisyal na marami silang ikinukunsiderang opsyon sa nasabing panukala.
Isa na rito ang posibleng dahan-dahan na pagbabalik sa dating school calendar. Ayon kay Bringas, kung gagawin ito ay tiyak na aabutin ng apat hanggang limang taon bago ito maibalik.
Sa kabilang banda, kung gagawin naman ito ng biglaan ay tiyak na maisasakripisyo ang bakasyon ng mga guro.
Tiyak din aniyang wala silang matatanggap na overtime par dahil sa alinsunod sa batas, tanging service credits lamang ang maibibigay sa kanila.
Sa panig naman ng State Weather Bureau, mas kakaunti umano ang mga pumapasok na bagyo sa ilalim ng bagong academic program.
Gayonpaman, tiyak naman na mararanasan ng mga estudyante ang labis na mainit na panahon. sa ilalim nito.
Matataon din umano ang graduation sa panahon ng tag-ulan.