Reading Time: 1 minute

Inaresto si dating UEFA President Michel Platini dahil sa kaso ng kurapsyon.

Ayon sa French financial prosecutor’s spokesperson, may kaugnayan ang kaso sa paggawad nito ng 2022 World cup sa Qatar.

Nilinaw naman nila na dinala lamang siya para sa ilang pagtatanong hindi pa kinasuhan dahil sa krimen.

Nanungkulan ang dating French soccer legend na nanguna sa UEFA mula 2007 hanggang 2015.

Nakatakda sana itong papalit kay dating FIFA head Sepp Blatter hanggang sila ay natanggal dahil sa malawakang scandal.