Reading Time: 1 minute

Dinala na sa St. Peter Chapels ang labi ni dating Senate Sergeant-at-Arms Jose Balajadia Jr.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, badang alas-2:15 kaninang madaling araw nang bawian ng buhay si Balajadia.

Hindi naman nito nabanggit ang dahilan ng pagpanaw ng former Senate Sergeant-at-Arms pero dumanas aniya ito ng ilang karamdaman sa mga nakalipas na linggo.

“Prostate was one big problem,” ani Sotto.

Nitong June 30 nang mag-resign sa tungkulin si Balajadia.

Samantala, isa si Senator Richard Gordon sa mga agad nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ni Balajadia na inilarawan nito bilang mabuting tao at kanya raw kabiruan.

“To my Uncle….. MAJOR GENERAL JOSE V. BALAJADIA JR. , Sargeant-at-Arms SENATE OF THE PHILIPPINES, we will miss you so much… Rest in Peace now. ❤❤❤” ang caption naman ni Bong Reyes, pamangkin ng namayapang Senate officer.