Jimmy Carter
Jimmy Carter

Nakalabas na sa pagamutan si dating US President Jimmy Carter matapos na magtamo ng hip injury ng ito ay mahulog.

Ayon sa kampo ng 94-anyos na pangulo, pagkalabas nito sa Phoebe Sumter Medical Center sa Georgia ay sasailalim na lamang ito sa physical therapy.

Nauna rito natamo ni Carter ang injury ng ito ay matumba habang naghahanda para sa turkey hunting.

Si Carter ay siyang pang-39th president ng U.S. mula 1971 hanggang 1975.

Tinalo siya ni Ronald Reagan ng muli itong tumakbo sa pangulo noong 1980.