Pinayagan ngayon ng korte sa Angeles City na makapaglagak ng piyansa ang itinuturong mastermind sa pagpaay sa Korean businessman na si Jee Ick Joo na si dating Police Col. Rafael Dumlao.

Sa 32 pahinang resolusyon ni Judge Irin Zenaida Buan ng ng Angeles City Regional Trial Court (RTC) Branch 56, pinayagan si Dumlao na makapaglagak ng tig- P300,000 na piyansa sa bawat kaso.

Ang dating police colonel ay humaharap sa mga kasong kidnapping for ransom, kidnapping with serious illegal detention at carnapping.

Ikinatwiran ng korte, mahina ang evidence of guilt laban kay Dumlao.

Samantala, ibinasura naman ang petisyong makapagpiyansa sina SP03 Ricky Sta Isabel at Jerry Omlang na dawit din sa pagdukot at pagpatay sa negosyante.

Matatandaan, Oktubre 18 taong 2016 nang arestuhin sa isa umanong anti-drug operation at dukutin si Jee at kasambahay na si Marisa Morquicho mula sa bahay ng biktima sa Angeles City.

Bagamat pinalaya si Morquicho, pinatay naman ang Koreano sa PNP Headquarters sa Camp Crame habang na-cremate ang labi nito at iflinush umano sa isang toilet sa punerarya.