kris aquino

Nanguna ang mga anak ni dating Sen. Benigno Ninoy Aquino Jr na sina Viel, Ballsy at Pinky Aquino sa pag-alay ng panalangin sa mga namayapang magulang kasabay ng ika-36 anibersaryo ng pagkasawi ng kanilang ama.

May isinagawang misa sa puntod ng dating senador sa Manila Memorial Park sa ParaƱaque dakong alas-3:00 ng hapon.

Dumating din doon si Kris Aquino at dalawa nitong anak.

Namataan din doon sina dating Interior Sec. Mar Roxas, dating Senators Rene Saguisag, Bam Aquino, Antonio Trillanes IV at malalapit sa pamilya Aquino.

Hindi nakarating ang dating Pangulong Noynoy Aquino na ayon kay Kris ay may sakit.

Pero hindi naman idinitalye ni Kris kung ano ang sakit ng kapatid.