Pumanaw na si dating Philippine Swimming Inc. (PSI) President Mark Joseph sa edad, 56.

Kinumpirma ito ng kaniyang pamilya matapos na hindi na siya nakagising sa bahay niya sa London.
Hind i na rin nagbigay ng ibang mga detalye sa kamatayan ni Joseph.

Ibinunyag din ng pamilya nito na nag-aaral si Mark bilang theologian.

Bago naging kampeon sa iba’t-ibang national swimming federations ay naging national athlete ito at Manila city councilor din.

Noong panahon nito ay nagkaroon ng malaking kontrobersiya dahil sa maanomalyang paglabas ng pondo mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa pagsasanay ng mga swimmers na sumali noong 2012 Olympics.