Interesado pa ring maglaro sa PBA si dating Star Hostshots import Ricardo Ratliffe.

Ito ay matapos na maging naturalized player na siya ng South Korea.

Ratliffe Ricardo
Ricardo Ratliffle/ IG post

Sinabi ng 31-anyos na si Ratliffe o ngayon ay may pangalan bilang Ga Runa, na kung hindi siya napili ng South Korea ay malamang sa Pilipinas pa rin ito naglalaro.

Mahigit pitong buwan kasi itong naglaro sa Pilipinas habang sa Korea ay naglaro ito ng siyam na taon.

Mula pa kasi noong 2012 ay naglalaro na siya ng Korean Basketball League at noong 2018 ay kinuha siya bilang naturalized player ng Mobis Phoebus.

Naging bahagi siya ng Hotshots noong 2016-2017 PBA Commissioner’s Cup.