Pumanaw na ang dating NBA Hall of Famer Wes Unseld sa edad 74.

Ayon sa kaanak nito na mayroon ng matagal na iniindang sakit ang dating Most Valuable Player.

Itinuturing siyang isang bayani ng kaniyang kaanak lalo na sa mga kababayan nito sa Baltimore at Washington DC.

Naglaro siya ng 13 season mula 1968 hanggang 1981 si Unseld sa Baltimore, Capital at Washington.

Nakuha nito ang NBA Finals MVP noong 1978 na siya rin ang nagdala ng Bullets para makuha ang NBA title.

Sabay nitong nakuha ang NBA Rookie of the Year at NBA MVP noong 1969 at 69 na tanging siya lamang at si Wilt Chamberlain ang nakagawa ng nasabing award.

Mayroong average siya noon na 13 points at 18 rebounds.

Matapos ang paglalaro nito ay naging coach siya ng Bullets na nagdala sa record ng koponan na 202-345 record mula 1987-1994.