FHM model arrested
Charlene Midel Mecayer

Hawak na ng PNP (Philippine National Police) at PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) ang umano’y isang dating FHM (For Him Magazine) model na naaresto sa Greenwood Executive Village, Barangay Sta. Ana sa Taytay, Rizal.

Kinilala ang suspek na si Charlene Midel Mecayer alyas Cindy, 26-anyos, single, at residente ng Phase 9, Barangay Sta. Ana, Taytay, Rizal.

Ang buy bust operation ay isinagawa ng mga tauhan ng PDEA-Special Enforcement Service kahapon ng alas-4:30 ng hapon.

Pero ito ay pormal na iprinisinta sa media nitong umaga lamang.

Inaresto ang suspek matapos na pagbentahan ang mga operatiba ng isang sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu.

Narekober sa suspek ang 10 sachet ng umano’y shabu na may kabuuang timbang na 10 grams na nagkakahalaga ng P68,000, tatlong tableta ng ecstasy na nagkakahalaga ng P4,500, at siyam na pirasong improvised tooter.

Ang suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa Sections 5, 11, at 12 Art II of Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

FHM model drugs rizal

Una nang isinagawa ang operasyon sa pangunguna ni agent Romeo Matias Jr kasama ang Taytay Municipal Police Station sa ilalim ni S/Sgt Adrian Calleja at PDEA 4A Rizal sa pamumuno naman ni agent Reynald Poquiz na nasa superbisyon ni IAV Roberto Sebastian.