NAGA CITY – Arestado ang isang lalaki na umano’y dating Marines sa gitna ng anti- illegal drug operation ng mga otoridad sa Sitio Sagup Brgy. Buluang, Baao Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si Pedro Badiola Albalate, 46.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Maj. Santos Tagomata, chief of police ng PNP-Baao, napag-alaman na isang dating Marines ang suspek ngunit nag-AWOL hanggang sa sinibak sa serbisyo.

Ayon kay Tagomata, matagal nang sangkot si Albalate sa illegal na droga sa naturang lugar.

Samantala, narekober sa suspek ang anim na gramo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P30,000.

Sa ngayon nasa kostudiya na ng mga otoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.