CAGAYAN DE ORO CITY – Nakatakdang sampahan ng patong-patong na kaso ngayong araw ang isang dating preso na nagbebenta ng granada, baril at iligal na droga sa mga pulis sa Zone 4, Barangay Agusan nitong lungsod.

Kinilala ang suspek na si John Dierel Mesa, DI listed, 24-anyos, may live-in partner at residente sa naturang lugar.

Sinabi ni Regional Special Operation Unit-10 head P/Capt. Jason Sto. Domingo, nabilhan nila ng granada si Mesa sa pamamagitan ng kanilang isinagawang buy bust operation.

Aniya, maliban sa pagbebenta ng granada, rumaraket din ang suspek sa pabebenta ng baril at shabu ngunit malas lang niya dahil pulis pala ang kanyang naging buyer.