Blangko pa rin si dating Food and Drugs Administration (FDA) chief Nela Charade Puno kung bakit ito sinibak sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi nito na wala pa itong natatangap na impormasyon kung ano ang alegasyon na kurapsyon na ibinibentang sa kaniya.

Aminado ito na nasaktan siya sa desisyon ng Pangulo dahil nasira ang kaniyang integridad.

Nilinaw naman nito na bukas siya sa pag-alis sa puwesto at tatalima ito sa kautusan.