ILOILO CITY – Itinuturing ni dating Department of Health (DoH) Secretary at ngayon Iloilo First District Representive Dr. Janette Garin na isang welcome development ang imbestigasyon ng Office of the Ombudsman sa umano’y anomaliya sa pagharap ng DoH sa COVID-19 crisis sa Pilipinas.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Garin, sinabi nito na maraming iregularidad ang nasabing pamunuan at ang attached agency nito na Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth kaugnay sa overpricing ng covid-19 test kits.

Ayon kay Garin, hindi lamang imbestigasyon ang dapat gawin kundi reporma dahil sa umano’y large-scale at systemic errors sa loob ng pamunuan.

Ani Garin, maliban sa Ombudsman, kailangan rin na may isang impartial committee upang magsagawa ng separadong imbestigasyon.