Cong Janet Garin
Ex-DOH secretary and now Iloilo First District Rep. Janette Garin

ILOILO CITY – Nanawagan si dating Department of Health Secretary at ngayon Iloilo 1st District Rep. Janette Garin sa Department of Health na manindigan hinggil sa kumakalat na impormayson tungkol sa Novel Coronavirus.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Garin, sinabi nito na kailangang sugpuin ng Department of Health ang fake news na nagdudulot ng panic.

-- Advertisement --

Isa sa mga pinuna ni Garin ay ang pahayag ni Department of Health Secretary Fracisco Duque III na may karapatan ang school management na magkansela ng klase upang hindi mahawaan ng virus ang mga estudyante.

Ang nasabing pahayag ayon kay Garin ay nagdudulot ng takot sa publiko.

Ang pagsasagawa ng command conference ang makakatulong ayon sa dating kalihim upang maiwasto ang maling impormasyon.

Pinasalamatan ni Garin ang Department of Health sa naging hakbang na bigyan ng health declaration checklist form ang lahat ng mga pasahero mula sa ibang bansa.