Bella Thorne
Bella Thorne /Twitter image

Ibinunyag ng dating Disney child star Bella Thorne ang pagiging director ng porn film.

Ipapalabas ang nasabing kauna-unahang porn video nito sa website ng Pornhub.

May titulo itong “Her&Him” na siya rin mismo ang nakapag-isip nito.

Ipapalabas ang nasabing gawa nito sa Setyembre 11 sa Oldenburg Internationl Film Festival sa Germany.

Nakilala si Thorne sa Disney channel series na “Shake It Up”.