Reading Time: 1 minute

Na-diagnose na may multiple sclerosis si dating Cleveland Cavaliers coach David Blatt.

Sa isang pahayag, sinabi ni Blatt na ilang buwan na ang nakakaraan nang ma-diagnose siya sa nasabing kondisyon, na inaatake ang central nervous system.

“I am a coach and my job is to lead and teach and inspire a lot of people. Not being as agile or active doesn’t affect my ability to do those things,” saad ng 60-anyos na coach.

“How could I possibly complain? I absolutely cannot and will not. It’s wasted effort and while I ask my players and staff to be the best version of themselves, I must ask and even demand from myself to do the same.”

Itinalagang coach ng Cleveland si Blatt noong Hunyo 2014 at dinala ang team sa NBA Finals sa kanyang unang season, ngunit nabigo sila sa Golden State Warriors.

Sinibak naman ito sa kalagitnaan ng 2015-16 season, na taon din kung kailan nakatikim ng kampeonato ang Cleveland sa unang pagkakataon sa ilalim ni Tyronn Lue.

Naging coach naman si Blatt ng Greek club na Olympiakos mula Hunyo 2018.