Hiwalay na ang dating beauty queen at TV host na si Maggie Wilson sa asawang si Victor Consunji.

Sa kaniyang Instagram inanunsiyo ni Wilson ang pagtatapos ng kanilang pagiging mag-asawa sa loob ng 11 taon.

-- Advertisement --

Hindi naman na nito binanggit pa ang naging rason ng kanilang paghihiwalay.

Naging mahirap aniya ang nasabing desisyon at tiniyak nila na kanilang susuportahan ang isa’t-isa.

Mananatili aniya silang magkaibigan at magulang sa 9-anyos na anak nilang si Connor.

Taong 2007 ng kinoronahang si Wilson bilang Binibining Pilipinas World at dating TV host habang ang asawa nito ay may sariling construction company.