Reading Time: 1 minute

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang dating Barangay Kapitan sa pamamaril sa Tacurong City.

Nakilala ang biktima na si Edwin Guiamelon,Ex-Brgy Chairman ng Brgy Mebpandacan SK Penatun Maguindanao.

Ayon sa ulat ng pulisya,na may binili lamang ang biktima sa fruit stand sa harap ng dragon mart sa Barangay Poblacion Tacurong City nang bigla itong pagbabarilin ng riding in tandem suspects gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek sa di malamang direksyon lulan ng motorsiklo.

Patay on the spot ang biktima nang magtamo ng tama ng bala sa kanyang ulo at dibdib.

Personal na alitan o rido ang natatanaw ng mga otoridad sa pamamaslang sa biktima na patuloy nilang iniimbestigahan.