Reading Time: 1 minute

Arestado ang isang retiradong sundalo sa isang drug session sa lungsod ng Taguig.

Ayon kay Police Lt. Col. Libreto Buisan ng PNP Taguig City, matapos na makatanggap sila ng impormasyon ay agad nilang ikinasa ang operasyon.

Naaresto ang suspek na si alyas Pedro kasama ang asawa niya at dalawang lalaki nangungupahan sa bahay ng suspek.

Isang retired lieutenant colonel ng Philippine Army ang nasabing suspek.

Nakuha sa mga suspek ang anim na plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu.