Nagsibalikan na sa kani-kanilang mga tahanan ang mga ang mga residente mula sa peligrosong lugar ng Cebu matapos ibinaba ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pag-asa) ang signal warning ng nasabing lugar.

Nauna nang lumikas ang aabot sa kabuuang 1,488 pamilya o 7,376 na indibidwal na mula sa sampung local government units sa northern at central na bahagi ng lugar dahil sa banta ng bagyong Tisoy.

Nakapagtala naman ang Munisipalidad ng Daanbantayan, hilagang bahagi ng bayan ng pinakamataas na bilang mga evacuees na may 778 pamilya o 4, 126 apektadong indibidwal na malapit sa baybayin.

Wala namang napaulat sa tanggapan ng Cebu Provincial Disaster Risk Reduction and Management Division na mga pinsala kahit pa man isinailalim sa Signal No. 2 ang hilagang bahagi ng lalawigan at Signal No.1 naman sa natitirang bahagi.

Samantala, pinayagan na ring maglayag ang ilang mga sasakyang pandagat ng Cebu at Bohol pero naayon sa substation commander.

Kabilang dito ang biyahe mula sa Jagna Bohol papuntang Nasipit, Agusan del Sur at Tagbilaran City patungong Larena Siquijor.