Nangako ang European Union na handa itong pautangin ang Pilipinas ng karagdagang €150 million o halos P10 billion, ayon sa Department of Finance (DOF).
Ayon sa ahensya, two-thirds ng bagong pautang ng EU sa bansa ay gagamitin upang tustusan ang mga programa na magpapalakas sa agricultural productivity sa Mindanao at para na rin magkaroon ng kuryente sa mga liblib na lugar.
Ginawa ang pangakong ito ni Thomas Wiersing, ang charge d’affaires ng EU Delegation to the Philippines. sa isang virtual meeting kasama si Finance Secretary Carlos Domingues III.
Ang nasabing meeting ay upang talakayin ang progreso ng development cooperation sa pagitan ng Pilipinas at EU.
Sa ngayon ay umabot na ang €85 million o mahigit P5 billion ang halaga ng pinautang ng WU sa peace and development initiatives ng pamahalaan sa Mindanao.
Labis naman ang pasasalamat ni Dominguez sa tuloy-tuloy na suporta ng EU sa administrasyong Duterte gayundin ang tulong nito sa pagpapaganda pa ng trade at nagricultural productivity sa Mindanao.