Hindi na ikinaila ng European Union na pumalpak ang kanilang COVID-19 vaccine rollout.

Sinabi ni Eurpoean Commission President Ursula von der Leyen na masyado silang nagtiwala na matutugunan agad ang kanilang target na bilang na mabakunahan.

Umaani kasi ng batikos ngayon ang Commission chief dahil sa mabagal na vaccine rollout.

Tiniyak naman ng pharmaceutical group na AstraZeneca na makikipagsanib-puwersa na sila sa German company na IDT Biologika para mas maraming bakuna silang magawa para sa Europa.