ETHIOPIA – Agaw pansin ang isang babaeng kakapanganak lamang pero hindi nagpapigil na kumuha ng school examinations.

Nakilala itong si Almaz Derese, 21, mag-aaral sa high school.

Nabatid na nakatakda sana ang pagsusulit noong nakaraang linggo, ngunit hindi natuloy dahil sa pagtatapos ng Ramadan.

Pero dahil sumakit na ang tiyan bago ang exam, tumuloy na ito sa maternity hospital.

Habang kinumbinsi naman ng asawa nitong si Tadese Tulu ang mga guro na payagang makakuha ng pagsusulit si Almaz upang huwag masayang ang pinag-aralan nito.

Makalipas ang kalahating oras makaraang manganak, sumalang na ito agad sa test. (BBC)