Reading Time: 1 minute

CENTRAL MINDANAO – Kahit man abala sa pagre-report sa kanilang klase ang isang estudyante sa isang pampribadong paaralan sa M’lang, Cotabato bitbit naman nito ang kanyang isang taong gulang na anak.

Nakilala ang estudyante na si Paula Cereneo, 21, single mom, nag-aaral sa Southern Baptist College at residente ng Barangay Sangat, M’lang, North Cotabato.

Ayon kay Cereneo, pursigido umano siyang makapagtapos ng kanyang pag-aaral sa kolehiyo para na rin sa magiging kinabukasan ng kanyang anak.

Aniya, kakayanin nya ang lahat ng hirap na pinagdadaanan at suliranin sa buhay makapagtapos lamang sa pag-aaral bilang isang guro.

Ginagawa din umano nyang halimbawa ang kanyang sarili sa iba pang mga estudyante na ‘wag basta-basta pumapasok sa isang bagay na hindi pa napaghahandaan dahil maaring sapitin din nila ang kanyang pinag dadaanan sa ngayon

Hangang-hanga naman ang kanyang mga kaklase sa kanyang ipinapakitang pagsusumikap sa pag-aaral kahit na may anak na ito.

Sinabi pa niya hindi nito ikinakahiya ang kasalukuyang sitwasyon sa buhay.