ROXAS CITY – Patay ang isang estudyante matapos sinaksak ng kapareho nitong estudyante sa Dao, Capiz.

Ang hindi na pinangalanang biktima ay 16-anyos, na sinaksak ng 17-anyos na suspek.

Base sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo, sakay umano ng motorsiklo ang suspek nang nilapitan ito ng biktima upang komprontahin dahil kaniya raw itong pinagseselosan.

Ngunit agad na kumuha ng kutsilyo ang suspek at sinaksak ang biktima.

Dinala pa sa ospital ang biktima ngunit hindi na ito naisalba pa.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Women and Children Protection Desk ng Dao Municipal Police Station ang suspek at nakatakdang i-turnover sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development.