CAGAYAN DE ORO CITY – Labis ang kalungkutan na nararamdam ng pamilya ng isang binatilyo matapos itong magpakamatay sa Barangay Poblacion, Opol, Misamis Oriental.

Kinilala ang biktima sa pangalang Ondoy, 15-anyos na kasalukuyang nag-aaral sa Opol National High School.

Sinabi ni Opol Municipal Police Station Commander Major Evary Bacunawa na nagpakamatay ang biktima sa pamamagitan ng pagtali ng nylon rope sa kanyang leeg.

Nakita na lamang ng kanyang ina ang estudyante na nakabitin sa kanilang garahe at wala ng buhay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, lumalabas na “loner” ang biktima at naging saksi rin ito sa pag-suicide ng kanyang kaklase noon.

-- Advertisement --