DILG Sec Ano
Interior and Local Government Secretary Eduardo Año

Kinumpirma ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na kabilang sa iniimbestigahan si police Lt. Col. Jovie Espenido dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga.

Ayon sa kalihim na isa ang police official sa 357 na police officers na kabilang sa drug watchlist ng gobyerno.

Dagdag pa nito na dadaan sa validation at imbestigasyon si Espenido.

Ibinunyag pa ni Año na alam ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakasangkot ni Espenido sa iligal droga.