Reading Time: 1 minute
Erich Gonzales
Erich Gonzales/ IG post

Mas pinili ni Erich Gonzales na maging pribado ang kaniyang love life.

Ito ay matapos na ibunyag ng actress na mayroon na siyang karelasyon.

Inamin ng 28-anyos na actress sa pamamagitang ng pagtanong ng follower niya sa kaniyang vlog kung may nobyo na ito.

Dagdag pa nito na nais niyang protektahan ang kaniyang mahal sa buhay kaya ayaw niya itong ibunyag sa publiko.

Noong Marso 2018 ay napabalitag lumalabas ang actress at ang non-showbiz na nobyo nito.

Taong 2017 pa aniya ng magkakilala ang dalawa.