Nakalabas na mula sa ICU si dating Pangulong Joseph Estrada at inaasahang maililipat na rin sa non-COVID-19 area sa lalong madaling panahon.

Ito ang panibagong medical bulletin na ibinahagi ng kanyang anak na si dating Senator Jinggoy Estrada.

Una rito, kanyang iniulat na nagnegatibo na sa COVID-19 ang dating presidente.

Sa ngayon wala na raw nararamdamang trangkaso si Erap at kumakain na ng maayos.

Gayunman, nananawagan pa rin ng dasal ang pamilya para sa full recovery ni Estrada na magiging 85-anyos na sa kanyang kaarawan sa Lunes.