Aabot sa anim na barangay sa mga bayan ng Himamaylan, Negros Occidental na nakakaramdam na ng epekto ng El Nino Phenomenon sa bansa.
Ito ay kinumpirma mismo ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Kabilang sa mga tinukoy ng NDRRMC ay mga barangay ng Cabadiangan, Nabalian, Carabalan, Su-ay, To-oy, at Buenavista.
Kinakapos na umano ng suplay ng tubig ang naturang mga lugar sa kanilang mga palayan maging ng mga tubig inumin.
Ito ay mula pa aniya noong buwan ng Disyembre ng nakalipas na taon.
Samantala, maliban sa lalawigan ng Negros Occidental, nakakaranas din ng limitadong suplay ng tubig ang Zamboanga City.
Sinabi naman ng ahensya na tinutugunan na ito sa pamamagitan ng “rationing scheme” o pagrarasyon ng mga tubig partikular na sa kanilang central areas.
Batay sa datos, aabot na sa mahigit ₱1-billion ang pinsala ng El Niño sa sektor ng agrikultura kung saan Western Visayas.
Ito rin ang nangunguna sa mga lugar na may pinakamataas na pinsala sa naturang sektor.