-- Advertisements --

LAOAG CITY – Tiniyak ni Atty. Donato Balderas, Schools Division Superintendent ng Department of Education – Ilocos Norte ang kaligtasan ng mga paaralan sa lalawigan kasunod ng insidente ng pamamaril sa Tacloban City.

Aniya, sa kasalukuyan ay walang kaso ng bullying o anumang marahas na insidente sa mga paaralan sa lalawigan.

Paliwanag niya na isa sa pinaniniwalaan niyang dahilan kung bakit walang naitalang kaso ng bullying sa mga paaralan sa lalawigan ay ang patuloy na code of discipline orientation na dinadaluhan ng mga bata at magulang.

Inamin niya na mayroon ding mga ulat ng maling pag-uugali sa mga paaralan at ito ay kinukunsidera na mga minor cases tulad ng paninigarilyo.

Dagdag niya na patuloy silang makikipag-ugnayan sa local government units (LGUs), national police, barangay officials at mga magulang para matiyak ang kaligtasan sa mga paaralan at matiyak ang seguridad ng mga estudyante at guro.

Maliban dito, umapela si Balderas sa mga magulang na suriin ang mga bag ng kanilang mga anak bago pumasok sa paaralan upang matiyak na wala silang dalang anumang bagay na maaaring makapinsala sa kanilang mga kapwa estudyante.