Nagsimula nang ipinatupad ang Executive Order No. 128 na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte, na naglalayong ibaba ang taripa ng mga pork imports.

Sa pagdinig ng House Committees on Agriculture and Food at Trade and Industry, sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na “in effect” na at patuloy na ring ipinatutupad nila ang EO 128, na inilabas ni Pangulong Duterte noong Abril 7.

Sa ilalim ng EO 128, ang tariff rate para sa imported na karne ng baboy sa quota o minimum access volume ay papalo na lang sa 5% para sa unang tatlong buwan at 10% naman sa ika-apat at ika-12 buwan.

Tiniyak naman ni Dar sa publiko na ang pagpasok ng mga imported na karne ng baboy ay maayos nilang babantayan.

Binigyan diin din nito na ang naturang hakbang ay hindi magiging mitsa nang pagkamatay nang local hog industry.

Magugunita na ilan nang mga mambabatas ang nananawagan para sa termination ng naturang direktiba sa pangamba na makakaapekto ito sa local pork producers pati na rin sa buong agriculture sector.