KORONADAL CITY – Hinigpitan pa sa ngayon ng mga otoridad ang entry at exit point sa lugar ng Koronadal matapos ang serye ng pagsabog sa mga karatig lugar.

Ayon kay Police Lt. Col Joefel Siason, bago pa man ang mga naitalang pagsabog sa lungsod ng Cotabato, Libungan, North Cotabato at South Upi Maguindanao noong lingo ng gabi na sinundan ng pagpasabog sa Municipal Police Station at isa pang sasakyan ay nakalatag na ang security plan ng mga otoridad.

Magpapatuloy umano ang deployment ng pulisya sa mga mataong lugar Lalo na mamaya sa Christ the King Cathedral sa isasagawang Christmas Eve Mass.

Hindi umano maitatanggi na may mga natatanggap din na threat sa seguridad ang lungsod ng Koronadal.

Napag-alaamn na naiulat din ang umano’y pagkakumpiska ng dalawang IED sa checkpoint papasok sa lungsod ng General Santos.