Itinakda na lamang sa 2021 ang enshrinement ceremony ng Naismith Memorial Basketball Hall of Fame bilang pag-iingat sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Jerry Colangelo, chairman ng board of governors ng Hall, ililipat na lang sa panahon ng tagsibol ang nasabing aktibidad.

Itinuturing ang Class of 2020 na isa sa mga star-studded lineups sa kasaysayan, na kinabibilangan nina Tim Duncan, Kevin Garnett at Kobe Bryant.

Paliwanag ni Colangelo, hindi raw maisasagawa ang okasyon sa orihinal na petsa na Agosto 28 hanggang 30; at ang iminungkahing petsa na Oktubre 10 hanggang 12.

Muling magpupulong ang board of governors sa Hunyo 10 upang talakayin ang magiging bagong petsa.

“We’re definitely canceling,” wika ni Colangelo sa isang panayam. “It’s going to have to be the first quarter of next year. We’ll meet in a couple of weeks and look at the options of how and when and where.”