ILOILO CITY РArestado sa isinagawang raid ng pulisya ang empleyado ng local government unit (LGU) ng Due̱as, Iloilo, dahil sa pagtatago ng ilegal na armas.

Ito ay kinilalang si Engr. Rey Palmares, Engineer I ng Municipal Engineering Office ng Dueñas, Iloilo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Captain Samuel Vipinosa, hepe ng Dueñas Municipal Police Station, sinabi nito na matapos sinilbihan ng search warrant si Palmares, kusa rin nitong isinuko ang kanyang baril.

Nakuha sa kanyang posisyon ang isang unit ng 45 caliber pistol, dalawang magazine assembly ng 45 caliber pistol, at 15 live cartridges ng caliber 45.

Sa ngayon nakakulong si Palmares sa Dueñas-Philippine National Police at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o illegal possession of firearms.