Reading Time: 1 minute

NAGA CITY – Ikinagalak ng aktor na si Enchong Dee ang pagkakabilang sa mga personalidad na pinarangalan ng Mayoral Award ng Naga City, Camarines Sur.

Ginawaran ng parangal si Enchong kasabay ng pagdiriwang ng Charter Anniversary ng lungsod kasama ang iba pang personalidad na magaling sa kani-kanilang mga larangan.

Tubong Naga City ang aktor na kinilala sa kanyang naiambag sa entertainment industry.

Bukod dito, binigyang pansin din ng lokal na pamahalaan ang advocacy ni Enchong bilang champion swimmer na Handog Palangoy.