Reading Time: 1 minute

TACLOBAN CITY – Patay ang isang empleyado ng gobyerno samantala sugatan naman ang kasama nitong babae mula sa nangyaring shooting incident sa Brgy. Mckinley, Catarman, Northern Samar

Kinilala ang nasawi na si Alan Dorico, 43, empleyado ng MDRRMO sa Catarman.

Samantala sugatan naman ang kasama nitong babae na kinilala na si Salve Lumandong, 40, parehong mga nakatira sa Brgy. Makinley, Catarman.

Napag-alaman na biyahe ang dalawa sakay ng isang single na motorsiklo nang bigla na lamang ang mga itong pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek sa bahagi ng Barangay Bangkerohan.

Nagtamo ng tama sa ulo sa Alan na dahilan ng kaniyang agarang pagkakamatay.

Samantala dinala naman sa hospital ang biktimang babae matapos ang natamo nitong tama sa katawan.

Inaaalam pa naman ng mga otoridad kung ano ang motibo sa naturang krimen.

Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang follow-up at hot pursuit operation ng mga otoridad nang sa gayon ay makilala ang responsable sa naturang krimen.