Nilinaw ng Food and Drug Administration (FDA) na ilalabas nila bukas o sa Miyerkules ang kanilang desisyon may kaugnayan sa emergency use authorization (EUA) ng Pfizer’s COVID-19 vaccine.

Sinabi ni FDA Director General Eric Domingo,tinatapos na nila ang emergency use authorization (EUA).

Dagdag pa nito,kumpiyansa din sila na matatapos ang proseso sa emergency use authorization ng AstraZeneca sa kalagitnaan nitong buwan.

Ang Pfizer at partner firm nito na BioNTech ay naghain ng emergency use sa Pilipinas bago pa ang Pasko.

Ang FDA ang siyang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbigay ng emergency use authorization sa pamamagitan ng executive order.