VIGAN CITY – Ipinatawag ng Kamara ngayong araw si Health Secretary Francisco Duque III dahil sa isyu pa rin sa 2019 novel coronavirus.

Ito ay bilang bahagi pa rin ng emergency command conference upang mapag-usapan ang nasabing isyu.

-- Advertisement --

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan kay dating Health Secretary na ngayo’y Iloilo Rep. Janette Garin, maliban kay Duque, ipinatawag din umano nila ang mga chief at director ng iba’t ibang ospital upang mapag-usapan ang mga isinasagawa nilang hakbang upang maiwasang lumaganap sa bansa ang nasabing sakit.

Maliban pa rito, inaasahan ding mapag-uusapan ang pondong gagamitin para sa pagsugpo sa nasabing sakit at kung ano-anong mga hakbang ang dapat na isagawa bilang bahagi ng monitoring sa mga pasyenteng pinaniniwalaang infected ng nCoV.