-- Advertisements --

Kinondena ng Israeli Embassy sa Maynila ang aniya’y terorismo matapos ang pag-atake ng Houthi rebels sa cargo vessel na M/V True Confidence sakay ang 15 Pinoy seaferers kung saan 2 sa mga ito ang namatay.

Nanindigan din ng pakikiisa ang embahada sa Pilipinas.

Sa isang statement, nagpaabot din ng pakikiramay ang embahada sa mga pamilya ng 2 nasawing Pilipino at umaasa sa paggaling ng3 pang matinding nasugatang Pinoy seaferers.

Sinabi din ng embahada na kaisa sila sa pagdarasal para sa apektadong pamilya ng Filipino seaferers.

Una na ring nagpaabot ng pakikidalamhati ang mga embahada ng Japan at Germany.

Nitong Martes nga ng dumating sa bansa ang 11 survivor na Pinoy seaferer kung saan 1 dito ang nagtamo ng minor injuries matapos tamaan ng inilunsad na anti-ship ballistic missile ng Houthi ang kanilang barko noong Marso 6 habang naglalayag sa Gulf of Aden.

Top