Tuluyang ipinagpaliban ng British singer na si Elton John ang kanyang night show sana sa estado ng Indiana sa Amerika.

Ayon sa 72-year-old iconic singer, ayaw niya mang biguin ang kanyang fans pero sadyang hindi mabuti ang kanyang pakiramdam kaya napilitang kanselahin ang show.

“To my dear fans in Indianapolis, it is with the heaviest heart that I’m forced to deliver the news that I am extremely unwell and therefore unable perform at @TheFieldhouse,” saad nito.

Nabatid na kakamatay lamang ng mother-in-law ng “Skyline Pigeon” singer.

Itinakda naman ang makeup date sa March 26, 2020.

Unang lumabas ang impormasyon na “timeout” muna sa kanyang concert tour si Sir Elton John sa taong 2021. (OMG)