Ibinunyag ng sikat na TV host na si Ellen DeGeneres na ito ay nagpositibo sa coronavirus.

Sa kaniyang social media ay ibinahagi nito ang pagpositibo niya sa nasabing sakit matapos na sumailalim sa COVID-19 test.

ellen degeneres

Kahit wala itong sintomas ay susundin pa rin niya ang guidelines ng Center of Disease Control na mag-isolate.

Dahil dito, mamamahinga umano siya ng ilang linggo mula sa kaniyang show.

Naabisuhan na rin ng mga health officials ang mga close contacts nito.