Ilang araw matapos makabalik sa kanyang hometown sa Cebu, “vacation mode on” agad si Ellen Adarna kasama ang anak.

Sa mga bagong posts ng 32-year-old former sexy actress, bakas ang “stress free mood” nito para sa mother and son bonding sa Amanpulo, Palawan.

Ellen and son

Sumakay din sa golf cart si Adarna at two year-old son na si Elias, at panay ang laro sa white sand.

Kamakailan lang nang manatili ito sa Bali, Indonesia, kung saan siya sumailalim sa mental training na KoKoro Program.

Sa nasabing programa, 115 kilometers umanong naglakad ang dating sexy actress kung saan literal na wala siyang tulog sa loob ng mahigit isang araw.

Kung maaalala, inamin ni Adarna na kailangan niya kasing mabawi ang sarili na aniya’y nagmistulang bihag sa maitim na paligid sa loob ng tatlong taon at hindi na tumatalab ang kanyang anti depressants.

Una nang naging kapansin-pansin ang “random convo” ng mag-ina, matapos sumagot ang paslit na si Piolo Pascual daw ang kanyang daddy.

Taong 2019 nang mauwi sa hiwalayan ang relasyon ni Ellen kay John Lloyd Cruz ngunit nagkasundo sa co-parenting setup.