Suportado ng election watchdog na Mata sa Balota Movement ang direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Commission on Elections (Comelec) na palitan na ang Smartmatic.

Anila, nabuhayan sila ng loob dahil sa naturang pahayag ng pangulo.

Itinuturing din anila ito ng grupo na tugon ng Pangulong Duterte sa kanilang open letter sa presidente na nai-publish sa isang pahayagan noong May 9, 2019.

Una nang nagsampa ng mga kaso sa Korte Suprema at Ombudsman ang Mata sa Balota Movement laban sa Comelec at Smartmatic kaugnay ng anila’y katiwalian sa proseso ng halalan sa bansa.